"Sumubok ng iba’t-ibang negosyo gaya ng on line selling at pagtatahi ng facemask noong panahon ng pandemic. Sa ngayon maliban sa pagtitinda ng school supplies nakakuha din po ako ng pwesto para magtinda ng mga lutong ulam kung saan katulong ko aking asawa at mga anak sa negosyong ito.Nakabili na rin ako ng isang segunda manong kolong kolong na magagamit ko rin sa aking Negosyo. Para sa akin ang KGMI ay hindi lang nagpaputang natutunan ko rin ang kahalagahan ng pagiiimpok kaya mabilis akong nahikayat na maging bahagi ng programa"
"Sa tulong ng isang kaibigan kaya naging bahagi ako ng programa ng KGMI dahil nakita kong maganda ang benefits na mayroon ang KGMI at may insurance din sila.Nakita ko rin na may produkto sila na para sa edukasyon at ito nga ang naging daan para mapag aral ko ang aking mga anak.Sa loob ng labing isang taon ko sa programa nagkaroon ako ng iba’t ibang maunlad na negosyo na aking pinagkakakitaan. Ginamit kong inspirasyon ang hirap na pinagdaanan sa buhay kaya nagsikap ako, at syempre po kung gusto mong kumita ng pera dapat ay hindi mo ikahiya ang iyong hanap buhay at ito ang isang paraan na gusto kong ipamana sa king mga anak para sa maunlad na kinabukasan."
"Dahil sa pangangailangan ng karagdang puhunan at sa maayos na pagpapaliwanag ng kawani ng KGMI tungkol sa magandang benepisyo mayroon ang kanilang programa, ang syang naghikayat sa akin na maging kasapi.Ang nahiram kong dagdag puhunan ang siyang naging daan para mapalago ko ang aking sari-sari store at nagkaroon pa ng sariling barbershop ang aking asawa.Self-Confidence at pagtutulungan sa pamilya ang maituturing ko na naging paraan para umasenso ang aming pamumuhay.Tiwala ako sa KGMI na patuloy pa nitong palalaguin ang aming negosyo sa mga darating pang panahon."
"Dahil naging kaugalian na ng mga kasapi ng KGMI ang pagtutulungan kaya kahit hindi pa ako nakakapagloan ay nagbibigay na ako ng pangpatak para sa pangabono. Pero hindi ako nadiscourage para umalis agad sa programa,dahil hangad ko talagang makahiram ng dagdag puhunan at itinalaga bilang coordinator at board of trustees ng MBA. Patuloy kong napalago ang perang pinapahiram sa akin ng KGMI sa pamamagitan ng pagtitinda ng Avon Products at nagkaroon din ng maliit na lupang pangsakahan, at patuloy pang dumating ang mga blessings at achievements na di ko inaasahan.Sa pagnenegosyo continue lang , hanggat may mga taong nagtitiwala sayo wag kang mawawalan ng pag-asa hanggang makuha mo ang goal mo sa buhay.Ang dating seller ngayon ay manager na at public servant pa.Mula 2002 hanggang ngayon nananatili akong kasapi ng KGMI dahil dito nagsimula ang lahat, kaya narating ko ang ganitong estado ng buhay."
"Ang perang niloan ko sa KGMI ay sa aking proyekto ko lang ginagamit, nuong una ay sa sari-sari store at di kalaunan ay hog raising na ipinalit na pangkabuhayan.Sa pagtutulungan naming magasawa sa paghahanap buhay hanggang sa mapagtapos namin ng pagaaral ang aming mga anak,kaya masasabing kong nabago talaga ng KGMI ang antas ng aming pamumuha.Sa ngayon nga ay kahit matatag na ang lagay ng aming pamumuhay ganun din ang aking mga anak ay patuloy pa rin naming pinagtutulungang itinataguyod ang aming pangkabuhayang hog raising."
"Nagisip ako ng paraan kung paano maitawid ang pangangailangan ng aking pamilya at magkaroon ng lingguhang pambayad sa loan.Noong panahon na iyon ay nakikipasada lang ng tricycle ang aking asawa, sa loob ng isang linggo 3 beses hanggang 4 na beses lang siya nakakapasada kaya hindi ito sapat para sa aming pangangailangan.Kaya naisip ko na magkaroon ng sariling tricycle, yung pangatlong loan cycle ko sa KGMI dun namin kinuha ang pangdownpayment para sa aming tricycle upang madagdagan ang kinikita,kasabay ng pagiihaw na negosyo ko.Hinati ko ang araw-araw na kita sa pamamasada ganun din ang kita ko sa aking pagtitinda hanggang sa makapagpundar uli ng bagong pagkakakitaan na bigasan.Ang pagsusumikap ay dapat rin na may kaakibat na diskarte."
"Sa loob ng labing walong taon ko sa KGMI bilang kasapi hindi nagsawang sumubok ng ibat-ibang Negosyo kahit maganda na ang tinatahak ng kanyang negosyo na piggery.Nakailang ulit akong nagloan sa KGMI hanggang sa madiskubre ko angkop na dito sa aming lugar na paupapahan/boarding house.Malaking bagay din po yung ginagawa ng KGMI na naoobliga akong magimpok o savings,hindi ka magaalinlangang mangutang kung dumating man ung oras na kulang o wala kang pambayad may pagkukunan ka.Isa pa po yung mga kawani ng KGMI na hindi lang po naniningil sila rin po ay umaagapay sa amin kapag may problema kami sa aming negosyo na nagbibigay ng lakas ng loob at nagsasabi kung anu ang dapat naming gawin para ipagpatuloy ang pagnenegosyo at upang manatili sa programa, natutunan ko rin sa KGMI yung obligasyon na maglaan para sa lingguhang bayad na nagpapakita ng displina sa sarili."
"Sa tulong po ng mga kaibigan na kasapi ng KGMI isa si ako sa nahikayat upang magkaroon ng oportunidad na pamahiram ng puhunan ng KGMI para makapagsimula ng negosyo.Hindi ko mapagtuunan ng pansin ang aking sari-sari store,dahil naging busy ako sa aking mga anak. Kaya muli akong sumubok ng isa pang negosyo na Water Refilling Station at dito ko nakita ang aking kalakasan upang mapaunlad at maging matagumapay ang aking negosyo, sa tulong ng miyembro ng pamilya at magandang pakikitungo sa aming costumer nakilala ang aming pwesto na “Absalon Alkaline Drinking Water”. Sa ngayon 15 years na akong kasapi ng KGMI kaya ipagpapatuloy ko ang magandang ugnayan sa kanilang kawani para mas lalo pa akong tumagal sa kanilang Programa."
" Ginampanan ang pagiging ama at ina para ipagpatuloy ang magandang pangarap ko para sa aking pamilya. Sa unang naging negosyong pagtitinda ng barbeque at paggawa ng hotdog at longanisa napagtapos ko ng pag-aaral ang aking apat na anak. Sa ngayon po ang aking pinagkakakitaan ay ang pagsasaka kung saan ang aking kapatid at kanyang anak ang namamahala dito at sa ganung paraan ay nakatulong ako sa kanila,kahit papaano ay nagkaroon sila ng konting pagkakakitaan.Sa loob ng dalamput dalawang taon bilang kasapi, ang KGMI ay naging kaagapay ko kaakibat nito ang sipag at tiyaga kaya masasabi kong malaki ang naitulong para maiangat ang ang antas ng aming pamumuhay. "